Earn Money Just by Clicking. Register Here

Thursday, May 21, 2009

Ang Labo mehn!!!

Bkit ganun?

Eto ang tanong na madalas natin nasasabi kapag nasasaktan tayo. Napakalawak kung sasagutin yan. Kahit alam mo kung bakit tayo nasasaktan. Hindi mo maiiwasan ang tanungin sa sarili mo, bkit ganun? May mali nanaman ba ako? Ang alam ko lng, nagmahal ako ng totoo.

Bakit ganun? Ano ba talaga ang silbi ko sa buhay? Nagmahal ka lang naman. Ikaw pa dehado. Kahit anong gawin ko, naiiwanan pa rin. Subukan mong magpaka-dominante, iiwanan ka kase nasasakal sya sayo. Subukan mong magpakumbaba, gawin ang lahat para di mo sya masakal at masaktan, iiwanan ka pa rin kase sobrang bait mo daw. Hindi ka nararapat para sa kanya. Paano ba ang magmahal ng tama?

Ginagawa mo lang naman ang mga bagay na to kase nagmamahal ka. Minamahal mo sya. Bakit? Kase masaya ka. Masaya ka sa piling nya. Ano bang kulang? Ano ba ang nasobrahan? Mali ba ang iparamdam sa kanya kung gaano mo sya kamahal? Siguro, ako talaga ang mali. Dahil hindi naman talaga nya ko gusto. Masyado lng siguro ako umasa sa mga sinabi nya. Kumapit at nanindigan. Ang totoo, nagpapasalamat lang sya kasi ginawa ko iyon para sa knya. At hanggang doon lang. Kaibigan lang.

Ang hirap kung paano mo ipaglalaban ang nararamdaman mo. Hindi mo maipaliwanag. Lalo na ang bigat ng dahilan kung bakit hanggang kaibigan lang ang maibibigay nya sayo. Wala ka talagang laban. Susuko ka na lang at magmumukmok. Iiyak. Bakit ganun?

Ipinaramdam ko sa kanya kung gaano sya kahalaga sa kin. Kung ano ang nagbago sa buhay ko simula nang dumating sya. Ipinaramdam ko kung gaano ako kasaya. Kung pano sya naging isang inspirasyon. Pero matatapos din pala ito. Hindi ko nakita ang harang sa daan na tinatahak ko. Mga tinik na makakapagdulot ng sugat at hapdi sa sarili ko. Kailangan kong umatras. Kailangan kong bumalik. Pero di ko alam kung san ako magsisimulang muli. Kung san ako liliko para ipagpatuloy ang daan na nilalakbay ko.

Lumilipad ang utak ko.
Magulo.
Malabo.
Naliligaw.
Gusto kong umupo.
At magpahinga muli.
Umaasa na sa susunod, merong kamay na magtatayo sa kin at aakayin para samahan ako sa daan na tinatahak ko.

No comments:

Post a Comment